Tuesday, June 3, 2008

Halo - halo

Maraming bagay na ang nangyari sa mga nakaraang araw na ako ay hindi ay post dito. Sa totoo lamang ay kinatamaran kong magpipindot ng keyboard. Ngayon ay medyo sinipag akong magbahagi ng mga nangyayari sa akin.


Una sa lahat maligayang 18 taong anibersaryo sa aking mga magulang. :)




SK Chairman Kristine Marie Cordora Gan,
SK Councilors Sheryl Dimaculangan,

Alexander Go, Keisha Caburnay ,

Jethro Laurente, Kevin del Rosario


Uhm, saan ko ba sisimulan? Naging abala ako ngayong bakasyon. Matapos ang isang buwang pananatili ko sa UP Los Banos upang magbalik aral sa matematika ay ginugol ko naman ang mga nalalabing araw ng tag-init sa pagtulong ng pagdaraos ng paliga ng basketbol sa aming Brgy. At bilang isang Sangguniang Kabataan kagawad ay isa kami sa mga punong-abala dito .

Isang linggong tumagal ang palaro. Ang kampeonato ay pinaglabanan ng apat na grupo na binubuo ng mga koponan ng Lucban, Leveriza, Luna at Libertad. Ang Leveriza ang nagwagi at tumanggap ng tropeo sa bandang huli.



Matapos iyon ay aking sinamahan sina Teacher Sara at ang kaniyang pinsan na si James sa aking bagong tahanan, ang Pamantasan kong hirang ang Unibersidad ng Pilipinas - Los Banos. Ang pinsan niya ay nanggaling sa Amerika at umuwi dito upang kumuha ng kanyang Ph.D ng Veterinary Medicine sa UPLB. Lohikal na hakbang ito pagkat hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na ito ang pinakamagaling na unibesidad sa laraganang iyon.

Masarap ang pakiramdam pagkat laan ko na ako ay mapalad pagkat nabigyan ako ng pagkakataon na mapatunayan ang aking sarili sa UPLB. Isang pangarap na ang akala ko ay walang katuparan. Mahirap at masalimuot ang aking pinagdaanan upang makatungtong sa UP. Ngunit ang lahat ng iyon ay napawi sa tuwing naiisip ko na isa ako sa mga mapapalad na mapili upang maging isang tunay na Iskolar ng Bayan. :)

Sa ngayon ay abala ako sa paghahanda ng aking sarili pagkat ang kolehiyo ay hindi biro. Lalo na ang pinili kong pamatnsan ay hindi ordinaryo. Naiingit ako pagkt ang mga dati kong kaklase ay nagsisimula ng pumasok at nararanasan na ang buhay kolehiyo. Ngunit di bale pagkat ilang araw na laman ay mararamdaman ko na rin ito.

Hanggang dito na lamang muna ngunit bago ako umalis ay gusto lamang batiin ng goodluck sina Kristne, Ella, Nika at iba pang mga mag-aaral ng JASMS na makiipagsapalaran upang makapasok dinsa Unibersidad ng Pilipinas. Galingan ninyo! Hayaan niyo akonh ibahagi ang isang kantang pumkaw sa aking damdamin at nag-paalam ng lagustuhan kong pagbutihin ang aking pananatili sa Unibersidad ng Pilipinas - Los Banos.


ISANG DAAN
Marie Angelica Dayao

Isang daang taong pagsisilbi sa bayan
Isang daang taon ng kagitingan
Ginising ang ating puso’t isipan
Mula sa pagkakatulog ng kamalayan

CHORUS

Isang Daan tungo sa karunungan
Isang Daan tungo sa kagalingan
Daan na tinuro ng ating pamantasang hirang
Inilaan para sa’ting mga anak ng bayan
Dumating man ang hangin ng pagbabago
Iskolar, huwag patitinag itaas ang kamao
Kasing lawak at ‘sing taas ng langit
Ang abot ng isipan mo

(Repeat CHORUS)

Magbago man ang panahon
Pamantasan nati’y ‘di patatalo
Iskolar ng bayan noon at ngayon
Laging angat sa iba
Isang Daan tungo sa karunungan
Isang Daan tungo sa kagalingan
Isang Daan tungo sa karunungan
Isang Daan tungo sa kagalingan

Ito rin ang "link" upang mapanood ninyo ang "video".

Hanggang sa susunod.








Thursday, May 15, 2008

WEH !

Ayan, ito na ang ikalawang araw ko ng pagbabahagi ng aking buhay sa publiko. Katulad ng kahapon wala masyadong mga mahahalagang bagay na naganap sa aking araw. Gayunpaman ako ay magpapakilala na lamang sa inyo pagkat hindi ko iyon nagawa sa aking unang post kahapon.

Ako si Jethro Cruz Laurente, 17 taong gulang at incoming freshman sa Unibersidad ng Pilipinas - Los Banos sa kursong Bachelor of Arts in Sociology. Nagtapos ako ng pag-aaral sa elementarya at mataas na paaralan sa Jose Abad Santos Memorial School ( PWU- JASMS Mla.) .


Wednesday, May 14, 2008

May 14, 2007

Mag-aalasais ng hapon noon, naabutan kong naka-online si Ana Althea Ocampo Cuajao . Doon naganap ang isang di inaasahang pangyayari. Napagtrabaho niya ako at napilitang lumikha ng aking sariling blog!

Noong una ay may agam-agam sa aking damdamin pagkat maisasapubliko ang aking personal na buhay at Whaaaaaaa!!!! Ngunit aking napag-isipan na ito ay isang epektibo at mabisang paraan upang malaman ng mga taong mahalaga sa akin ang aking mga nararanasan sa araw-araw....

Bago ko ilahad ang mga naganap sa akin ngayong araw ay pangungunahan ko na muna kayo na ang aking blog ay sapilitan lamang at kung walang kakwenta kwenta o walang kabuluhan ang mga naka-post dito ay kasalanan iyon ni Thea. Hahaha

Wala masyadong importanteng naganap sa araw na ito. Bumisita ako sa aking dating paaralan ang JASMS at muli kong naalala ang aming masasayang sandali doon kasama ng aking mga kaibigan. Pagkaraan ay kumain kami sa Robinson's at binilhan ng tsinelas ang aking ama. Nagturo rin nga pala ako at nagsabi ng mga mararansan ng mga mas nakababatang estudyante sa aming mataas na paaralan kung anong mga masasalimuot na pangyayari na kanilang mararanasan sakaling piliin nilang subukin ang kanilang kapalaran sa UNIBERSIDAD NG PILIPINAS.

Ayun, tapos na ..... Abangan ang susunod na kabanata...